Wednesday, June 5, 2013

5IVE: Limang Retorika

Hindi kita bibigyan ng mamahaling tsokolate, o bunch of white roses, o di kaya'y recite a lovely poem, o magi-status ng matatamis at matatalinghagang love quotes upang mapasaya ka ngayong 5th wedding anniversary natin. Alam mo namang ‘di talaga ako mahilig magbigay nang mga ganun, lalo na sa tsokolate, dahil marami lang tayo sa bahay (hehehe). Alam ko namang sa bawat araw ng ating buhay, samut saring karanasan na sumasalamin sa matamis na pagmamahalan ang ating pinagdaraanan. Nandiyan ang saya, lungkot, kulitan, harutan, suntukan sa braso, at minsan "silent wars" din- yung tipong walang iimik tas may mangiyak- ngiyak na lang later on, pero sa bandang huli, a tight hug will sink in all bad feelings. Kumbaga, ang pagmamahalan natin, full of spices at surprises na din. Ikaw ba naman kasi ang nakapag- asawa ng malikot at makulit.

Sabi nila, kapag anniversary daw, kelangan mag- celebrate. Pero para sa akin, mas higit pa ang call for celebration kasi sa tingin ko, ang araw na'to ay sadyang itinadhana para pagsamahin tayo at ipahiwatig sa buong universe na may katulad nating nagmamahalan-- ng buong puso, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, meron man tayo o wala, at walang mga kondisyon kapalit ng pagmamahal.

We have changed over the years, but the sparkle in our eyes is as bright as ever and my love for you is even stronger. It has been another year. Time flies when you're having fun, ika nga!

Kaya naman, congratulations to us, we are five today. At dahil para sa akin, everyday ay anniversary natin, panata ko, hindi ako magsasawang magsasabi sa’yo ng “I love you Mommy Doc” araw- araw, at mas lalong hindi ako magsasawang kantahan ka ng I wanna Grow Old With You ni Adam Sandler bago matulog-- at siempre, makita ang iyong kagandahan tuwing imumulat ang mga mata sa umaga.

Kampay para sa limang taong pagmamahalan, Mommy Doc Sherlyn Bactin Nicolas!






Me and my wife, Dr. Sherlyn Bactin- Nicolas whom I fondly call Mommy Doc. We tied the knot on May 17, 2008 at the Immaculate Conception Parish in Batac City. We have one kid-- Fiel Sigmund who is a pre- schooler at the the MMSU- LES.

No comments:

Post a Comment