Sunday, September 23, 2012

Jay Go

Umaga. Hindi kailangang magsuot
Jay Go
ng dress upang masasabing maayos
ka tingnan. Salamin ng kaayusan ay
nasa isipan lang. Itanong mo pa
kay Nathan.
Hapon. Hindi kailangang
maligo para ang amoy mabango.
Pwede namang sa salamin lang
maaaring malaman kung amoy
paminta ka ba o toyo.
Pero, hindi sapat. Hindi akma ang
pag- iisip na binayo ni Karen
nitong nakaraan. Hindi tama ang
lugar kung saan isinilid ang damdaming
matagal nang nagtitimpi sa kahibangan.
Hindi pwedeng malaman ni Karl na para sa'yo
hindi mo talaga sya kaibigan.

Tuloy, nawaglit sa isipan
na hindi na kailanma babalik sa harap
ng salamin. Ayaw mo. Hindi mo maatim tingnan
ang mukhang parang espasol sa kapal
ng foundation na inilagay
ni Helen. Sabi mo, tsaka na lang.
Kapag maayos ka nang tingnan.

Tsaka na lang.

No comments:

Post a Comment